Bloggy, hello. :) When I was online, I got to chat with KA. It's been a while since we last had OUR talk. Months ago. Sa cellphone pa yun na sobrang haba ng conversation. Cellphone call. Hahaha… Kadalasan kasi kapag lumalabas kami with friends, puro kalokohan nagagawa namin. We don't get to have our own time kasi masyadong malaki ang group. YAAAAAAK… Own time daw oh. Sagwa. Hahaha…
Kidding aside, babae po ako… :) As sure as I can beeeeeeeee… Tutubi na walang tinatagong bato sa ilalim ng lupa tinuka ng manok… Hahaha… JOOOOOKE.
Anyway... We were able to talk about a lot of things, and I have come to realize that I still do not know myself completely. Now it's funny to think how many posts I have made here trying to define and to describe who Hannah is…
I'm still in the process of experimenting, of exploring, of discovering. yadda yadda yadda... Kaya siguro may mga bagay akong nagagawa na minsan feeling ko hindi "Hannah". Eh sino ba talaga si Hannah? Hahaha… May schizophrenia ata ako ah. Hahaha… Kidding. Ngayon, makulit at sobrang daldal ko na. Di ko alam kung bakit. Pero more than being makulit, pakiramdam ko, lover pa rin ako ng silence. Kaya siguro tuwing nagpo-post ako sa iyo, may part sa akin na parang ayaw i-publish mga isinulat ko. Kaya siguro bago ako makapag-post, inaabot pa nang siyam-siyam kasi may mga bagay na gusto ko sa akin lang. Kaya siguro minsan bigla na lang akong tumatahimik. Kaya siguro minsan napapagod akong magsalita… Kasi hindi naman talaga ako yung Hannah na madaldal at ipinaaalam sa kahit na sino kung anong nangyayari sa kanya. Kasi mas gusto ko talagang nakikinig. Kasi makulit lang ako sa mga taong close ako, hindi sa lahat. Kasi mahiyain naman talaga ako. Kasi hindi naman talaga ako magaling mag-express ng nararamdaman through words.
Kasi hindi ko alam? Hahaha…
But I can't say too na ang Hannah na humaharap sa ibang tao ngayon ay hindi totoong Hannah. Because whatever I do comes from me. I think what I'm saying now is more of an "internal" issue rather than a social one. More of what I think about myself than what others think about me.
There are things that when I do, I feel uneasy. Maybe that's just part of discovering myself. Parang clay. Bago mabuo sa gusto kong figure, mahabang proseso pa ng paghuhulma ang dapat pagdaanan. Kung hindi ako komportable at hindi ako masaya, I should choose another way. Normal lang na maging uneasy. Just choose a new direction. But I should never stop changing because that's one nature of a human being. Yan ang sabi ni KA. Tama siya. Wala akong dapat ipilit. Parang enzyme, may active site (WHUT? Tama ba? Hahaha…). Hahaha… Kita mo naman, KA. Napaka-medical nito. Palibhasa, nurse ka. Hahaha… Joke lang...
SO...
Hannah is…
………………………………………………………………………………. :)
Bloggy: Just let it be, Hannah. Let yourself be. :)
Saturday, March 22, 2008
Posted by Hannah at 9:28 PM 5 comments
Thursday, March 20, 2008
Random...
Bloggy… :) How have you been? Long time no write.XP
Holy week na ngayoooon. Walang pasok. Ang saya. Saya. Saya.XD Kaya lang, hindi ko pa masyadong maramdaman. Kasi hanggang next week, ang dami ko pa ring gagawin for school. Hindi ko rin maramdaman na bakasyon na. Hayhay… Pero ayos lang. Masaya namang maging busy kahit paano. :)
Anyway, I decided to write because I wanted to write. Hahaha… Weirdo. Kaya lang random kuwento lang 'to ha?
Kahapooooon… Orals ko sa Chinese! Last orals ko naaa… I'm going to miss our class. I'm going to miss laoshi (teacher). :s Mami-miss ko yung Chinese songs na ipinipilit niyang ipakanta sa amin. Yung classmate kong best actor for angry role… Hahaha…XP Yung mga oral exams na dahil may scarcity ang isang group sa lalaki (babae), sila na lang ang nagpapakalalaki (nagpapakababae)…XP Dahil sa orals na iyan, mas maraming tao na ang pinagpapaliwanagan ko na hindi ako Chinese at Japanese ako.XP
Kahapooon ulit… LS defense ko. My gulay. Hahaha… Yun na lang daw nasabi eh noh? Hmmm… Ang masasabi ko lang, ako pa rin talaga si Hannah. Yung laging nahihiya at kinakabahang magsalita sa harap ng maraming tao. Paano kaya ako magiging abugado? Hahaha… 2 taon na ako sa kolehiyo, hindi ko pa rin nababago iyon sa akin.XP
KAHAPOOOON ulit… Nakasakay ako ng LRT2 at MRT!!! :D Hahaha… =)) Ang babaw…XP Gumagawa kasi kami ng project for Sociology and Anthropology. Napili naming obserbahan ang mga tao sa train stations.
Bata pa ako noong nakasakay ako ng MRT. Kasama ko family ko noon. Sumakay kami kasi… Bago…XP From North EDSA hanggang Taft (tama diba?XP) at pabalik ang route namin noon. Gusto kasi nina Mommy noon na ma-experience namin.XP Pero grabe, noong sumakay ulit ako kahapon kasama friends ko?
KATAWA-TAWA.XD
Sabi ng friend ko, para raw akong bata na walang alam sa mundo kasi raw amazed na amazed ako sa mga bagay na normal naman para sa mga taong regular na sumasakay ng tren.
Pero ang totoo, kahapon, feeling ko isa akong taong hubad. Parang nawala yung "security blanket" ko. Parang anytime, puwede ako madukutan, ma-hold-up… Barilin… Saksakin… Hahaha… Ang violent.XP Seriously, though, feeling ko nun ang laki-laki pala talaga ng mundong ginagalawan ko, pero maliit na parte lamang niyon ang nakikita ko.
Ang favorite parts ko sa mga station ay yung pagbili ng ticket. Hahaha… Yung maghuhulog ka ng pera tapos biglang may lalabas na card sa parang vendo machine. Tapos yung pagpasok mo ng card dun sa… sa… Kung anuman ang tawag mo roon sa makinang may "tripod" na umiikot para makapasok ka.XP Ang funny kasi pakiramdam ko noon pati yung kamay ko hihigupin ng makina.XP
Masaya rin na napasama kami sa part ng tren na exclusive for boys pala.XD Kumustaaaaaa… Basta na lang kami pumasok roon. Sobrang sikip. Rush hour kasi. Eh kailangan naming mag-interview. Tawa ako nang tawa kasi yung friend ko naiipit na ng mga tao tapos kahit saan kami tumingin puro braso at brasong bangin (HAHAHA… Euphemism na ewan… Translate niyo na lang in English) nakikita namin, pero ang iniisip pa rin namin ay maghanap ng taong tatanungin.XD Haaaaay... Hirap na hirap talaga akong pigilin ang tawa ko.XP
Nakita rin pala namin ang driver ng tren!!! :D Sabi niya parang kotse lang daw ang minamaneho niya. Tapos pagbalik ng tren dun sa station (hindi kasi kami umalis agad), nakita uli namin siya sa booth niya, tapos kinawayan kami. Hahaha…XD
Masarap din palang kumain!!! Hahaha… Malamang.XP Kumain kami ng shawarma! Yumyum! Nakakita rin ako ng mga taong nag-aaway. May isang ale pinagalitan yung security guard kasi tinutulak daw siya. May dalawang taong nagkasagutan kasi yung isa tinutulak papalabas ng tren yung isa. May isang lalaki rin na hindi na magkasiya sa tren dahil sobrang sikip na. Literally, iniluwa siya ng tren. Tapos halos lahat ng tao sa tren parang laging pagod at stressed. Parang lahat sila magkakagalit. Parang lahat sila inaantok. :s
Haaaay… Ganun pala talaga noh?
Pero alam mo, yung mga ganitong experience ang tinetreasure ko. :)
Kailan lang, may nangyari sa akin. Hahaha... Marami namang nangyayari sa akin araw-araw these days. Karamihan sa mga iyon talagang sinusubok ang pagkatao ko -- kung paano ko haharapin mga sitwasyon na tingin ko mahirap lusutan, kung paano makikitungo sa mga taong mas mataas sa iyo, kung paano mo tatanggapin ang criticisms nila, kung paano mo dadalhin ang sarili mo kapag lahat na ng nangyayari sa paligid mo ay hindi maganda, kung kailan mo iisipin ang sarili mo at ang iba, kung bakit kahit anong sabihin at gawin ng isang taong mabuti ang intensyon at nagtatrabaho/nag-aaral nang maiigi, pera pa rin talaga ang nagpapaikot sa mundo…
Hindi ko naman masasabing kaya kong lampasan nang ganun-ganun na lamang ang mga nabanggit ko. May mga oras na kahit mga simpleng bagay, iniiyakan ko pa rin, ikinaiirita, ikinaiinis. Hahaha… I'm such a crybaby. Siguro yan pa rin ang batang Hannah sa akin ngayon. Weird pero parang ayaw kong matanggal iyon sa akin. Ayaw kong kayanin lahat. Ayokong alamin lahat. Gusto ko pa ring humihingi ng advice sa mga taong importante at nakatatanda sa akin, maliban sa pagtuklas na ginagawa ko mismo. Gusto ko pa ring tinuturuan ako. :)
Pero ang galing nga eh… Pakiramdam ko lahat ito dumarating sa tamang oras. Lenten season… Tapos mage-18 na ako (ARGH. Ngayon ko lang ata naamin sa sarili ko yan.XP Nakalulungkot, ayoko mag-18!). Ano, 18? Ano yun? Hahaha... Di matanggap...XP Yung mga simple challenges na pinagdaraanan ko araw-araw, parang inihahanda ako sa future. Iniisip ko rin, kung lahat ng bagay makukuha ko agad, hindi ko malalaman ang kahalagahan ng pagpupursigi, ng pagtatiyaga, ng pagpapakumbaba. Kung lahat ng bagay kaya ko, hindi ko na maiisip ang ibang tao at si God. Kung hindi magiging bukas ang isip ko, mahihirapan akong intindihin ang mga tao sa paligid ko. Kung wala akong problema, wala akong matututunan. Kung wala akong worries, ang boring ng buhay. Kung laging masaya, HINDI IYON BUHAY.
Kung walang buhay, patay ka na.
Kung patay ka na, ibig sabihin moomoo ka na?
:s
:s
:s
My gas... :s
Hahaha… =))
Kidding aside... Yun ang pananaw ko. Kasi diba, kahit naman si Jesus noong nabubuhay pa rito sa mundo, nakaranas din ng happiness at sadness?
Ayun. Hihihi… :)
Sharing…XP
Since nasa topic tayo ng life... Ito ang song ko para riyan...XD
Hahaha...XD
Sige ha? Una na ako… Sana ikaw rin maraming na-realize this Lenten season, hindi lang para sa sarili mo, kundi para sa mga taong love mo. :)
Hannah :)
Posted by Hannah at 9:01 AM 4 comments
Monday, March 3, 2008
Poryu... Hahaha... :p
Bloggy tots! :) Have a new new song poryuuuu... Hahaha... Actually, matagal na 'to pero wala lang. Stress reliever.
Title nito ay...
ay...
ay...
MAMASAMASA
Nyaknyaknyak... :9
Ang fun diba? Hahaha... Si MJ pa kumanta niyaaaaaan. Hahaha... MJ? CLOSE?!?
Ito naman yung kapatid ng kantang iyan...
Hahaha... Pirated siguro yung equipment nila sa recording studio. Paulit-ulit eh. Kidding... :)
I lurve music! :D
Hannah
Posted by Hannah at 5:35 PM 0 comments