CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Saturday, January 12, 2008

Tracking...

Bloggy! :) Nakita ko yung project ko last sem sa psychology. Scrapbook. Hahaha... Grabe, ang dami ko na palang nagagawang scrapbook. Puwede ko nang sabihing professional scrapbooker ako.XP Kidding... :) Siguro mahilig lang talaga ako magtago ng mga abubot... Small things... Pati mga resibo (feel ko minsan katas sila ng paghihirap ko sa school - yung allowance ko XD), tinatago ko. Hahaha... Parang ewan...XP

ANYWAY... Nakita ko sa last page ng scrapbook yung mga dapat kong gawin para ma-achieve ang goals ko... Ang konti lang nila (feel ko ito yung oras na nagka-cram na ako (ito ang isa sa mga araw na hindi ako natulog...XP) pero ayuuuun...XP Tinry kong tingnan ngayon kung may progress ba ang buhay ko. Hahaha... *crosses her fingers* Sana meron...XP Let's see...

1. Feel beautiful inside and out - ahm... still working on it, but is feeling a bit better now... :)
2. Be young at heart - SUS! Hahaha... Sa sobrang pagka-young at heart ko, lahat ng mas matanda sa akin natatawag ko nang kuya at ate. Wahahaha...XP And I'm learning how to enjoy life more and to live out this saying, "When all else fails, LAUGH."
3. Maintain a healthy lifestyle - Ha? Hahaha... I just eat, eat, eat... AND EAT.XD
4. Work hard - Err... Tingin ko yun ang ginagawa ko ngayon. Sinusubok...XP
5. Avoid comparing myself to others - is wishing to start loading...
6. Be brave in trying new things - Have taken my few steps in doing so... :)
7. Call onto God more often - Yep! :D
8. Be more loving - Konti pa... Hahaha... Feel ko kulang pa ng love... 'Coz there's always more love to give to those people who love me too! :D
9. Believe that I can... - Loading... :)
10. Be more open-minded - Mukha... Nagka-brain operation na ako. Hahaha... Kidding... :) I think so, because I'm starting to learn new things and to not think of some of them badly...
11. Be more independent - Medyo...
12. Develop my skills - Yes... :)
13. Study Hard - Ha? Hahaha... Needs more work. Tumatanda akong paurong dito...XP
14. Prioritize - Striving...
15. Be more aware about the world - Nanonood, nagbabasa, at nakikinig ng news! Hahaha...XP Ang babaw.XP

Naalala kong tingnan ang scrapbook ko kasi this week, nakita ko yung teacher ko sa psychology. Her name's Lia Librojo. Maraming instances sa class namin noon na na-feel ko talaga ang sincerity niya to help her students to grow. Sobrang mabuti siyang tao. She sent me this through mail noong isang araw. Medyo nagulat ako:

"Hi Hannah!

It was nice seeing you again :-) Hope all is well with you.
Happy New Year! God bless you and your family.

Lia"

atsaka ito...

"I get excited too and happy when I see each one of you. I really enjoyed your class :-) Don't forget you can always email me, text, or visit, anytime :-)

See you in school Hannah! God bless :-)

Lia"

Simple lang noh? Pero ewan ko... Masyadong malambot puso ko sa mga ganyang bagay. Hahaha... Some of her notes on my papers and my projects before made me shed some tears too... Hahaha...XP Sobrang saya ko na naaalala pa ako ni ma'am at super happy na alam kong nandyan lang siya para sa akin. Hahaha... Parang di ako makapaniwala na isang teacher, magiging close friend ko. Maraming salamat po, Ma'am!!! :D You make me appreciate life more. :)

Friday, January 4, 2008

"You're Not Getting Any Younger..."

Bloggy! :) May kuwento ako sa'yo!!! :D Ako'y inspired magsulat ngayon sapagkat magiging… magiging… NINANG NA AKO!!! Hahaha… Daig pa ang nanay eh noh?XP

Kagagaling lang dito sa bahay ng kababata ko… Best friend ang tawag ko sa kanya noon… :) Ngayon ko lang ulit yun nakita kasi kahit magkalapit lang kami ng bahay, lagi siyang nahihiya pumunta rito sa amin. I just knew that she's 4 months pregnant. Ang nasabi ko lang…

"Grabe…"

Hahaha…XP Pinilit ko lang yung mommy niya na dalhin siya rito sa bahay para makausap ko.XP Ang dami naming napag-usapan. Hindi namin napansin oras. Mga 6 hours siya rito sa house. Hahaha… Tiningnan namin yung mga pictures namin noong bata pa kami. Tapos nalaman ko sa kanya na may hinanakit pala siya kasi 'pag marami raw akong kalaro, nakalilimutan ko siya. Hahaha…XP Pati yung mga malilit na detalye na nangyari roon sa mga pictures namin, sobrang natatandaan niya pa… ASTIG…XP Grabe, na-miss ko rin siya ah… :)

Ang pangalan niya pala ay Ann… :) She's 20 yrs. old. Ang bata pa niyaaaa… Pero grabe, magkakaanak na siya… Noong una, nagulat talaga ako. Kasi siya yung tipo ng tao na sobrang tahimik. Hindi rin yun lumalabas ng bahay. Pero noong nakita ko siya tapos nalaman ko na masaya siya dahil magkaka-baby na siya, happy na rin ako!XP Hehehe… :)

Ang dami kong natutunan sa kanya ngayong araw. Dami niyang sinabi tungkol sa pinagdaanan niyang relationships pati dun sa magiging baby niya, at proud ako sa kanya kasi di niya ikinakahiya yung baby. :) Sa tuwing may sasabihin siyang bago sa pandinig ko, nasasabi ko lang, "GRABEEEEE…" at "Ganun pala…". Hahaha…XP Tapos magtatawanan lang kami. Para raw akong sira sa ginagawa ko…XP Hmph! Pero at least marami akong natutunan… :D

Tinulungan ko siya maghanap ng pangalan para sa baby niya! :) Hihihi… Naghanap kami sa internet. Nyahahaha… Napili niya,

GIRL: Rianna Isabela
BOY: Rafael Angelo

Ok lang ba? Hihihi… Rianna yung napili niya kasi pinagsama yung name niya at nung boyfriend niya. Angelo naman kung guy kasi yan yung dapat na name ng brother niya na kinuha na ni God…

Tapos tapos, sabi niya ninang daw ako. Hahaha… Medyo ayaw ko pa noong umpisa kasi feel ko 'pag nagkaroon na ako ng inaanak, simula na yun ng pagtanda ko. Hahaha… Pero naaliw ako sa pagpili ng name para sa sa baby. Hahaha…XP Na-feel ko yung connection…XP Naisip ko na pagtanda nung baby, ako magiging 2nd mommy niya. :) Err… May matutunan naman kaya sa akin yung bata?! Hahaha…XP

Yung usapan namin ni Ann, ang funny… Ang saya pala balikan yung mga bata moments niyo… Yung mga oras na sobrang arte mo pa, sobrang baduy, laro ka lang nang laro, at ang dami niyong kalokohan…XP Haaay… Noong iniisip namin, parang kailan lang iyon... Ngayon, kailangan i-prioritize na niya yung mga bagay kasi siya mismo magiging parent na… Sabi niya pa sa akin, hindi na rin magtatagal at pati ako magkakaroon na rin ng family…

Nyay…

Hahaha… Joke lang… :) Hayness… Ang bilis lang talaga ng panahon. Mabilis lang pala talaga ang kabataan… Naalala ko lagi sabi ni Daddy sa amin na kahit kanino puwede mangyari yung nangyari kay Ann… Pero sana bago ibigay sa akin ni God iyon, stable na ang aking buhay… Lalo na ang aking pag-iisip. Hahaha…XP

Hayhay… Tumatanda na nga talaga sila…XP Hahaha… Sila lang daw eh noh?XP

Sige, Bloggy! Babush! :)