CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Friday, January 4, 2008

"You're Not Getting Any Younger..."

Bloggy! :) May kuwento ako sa'yo!!! :D Ako'y inspired magsulat ngayon sapagkat magiging… magiging… NINANG NA AKO!!! Hahaha… Daig pa ang nanay eh noh?XP

Kagagaling lang dito sa bahay ng kababata ko… Best friend ang tawag ko sa kanya noon… :) Ngayon ko lang ulit yun nakita kasi kahit magkalapit lang kami ng bahay, lagi siyang nahihiya pumunta rito sa amin. I just knew that she's 4 months pregnant. Ang nasabi ko lang…

"Grabe…"

Hahaha…XP Pinilit ko lang yung mommy niya na dalhin siya rito sa bahay para makausap ko.XP Ang dami naming napag-usapan. Hindi namin napansin oras. Mga 6 hours siya rito sa house. Hahaha… Tiningnan namin yung mga pictures namin noong bata pa kami. Tapos nalaman ko sa kanya na may hinanakit pala siya kasi 'pag marami raw akong kalaro, nakalilimutan ko siya. Hahaha…XP Pati yung mga malilit na detalye na nangyari roon sa mga pictures namin, sobrang natatandaan niya pa… ASTIG…XP Grabe, na-miss ko rin siya ah… :)

Ang pangalan niya pala ay Ann… :) She's 20 yrs. old. Ang bata pa niyaaaa… Pero grabe, magkakaanak na siya… Noong una, nagulat talaga ako. Kasi siya yung tipo ng tao na sobrang tahimik. Hindi rin yun lumalabas ng bahay. Pero noong nakita ko siya tapos nalaman ko na masaya siya dahil magkaka-baby na siya, happy na rin ako!XP Hehehe… :)

Ang dami kong natutunan sa kanya ngayong araw. Dami niyang sinabi tungkol sa pinagdaanan niyang relationships pati dun sa magiging baby niya, at proud ako sa kanya kasi di niya ikinakahiya yung baby. :) Sa tuwing may sasabihin siyang bago sa pandinig ko, nasasabi ko lang, "GRABEEEEE…" at "Ganun pala…". Hahaha…XP Tapos magtatawanan lang kami. Para raw akong sira sa ginagawa ko…XP Hmph! Pero at least marami akong natutunan… :D

Tinulungan ko siya maghanap ng pangalan para sa baby niya! :) Hihihi… Naghanap kami sa internet. Nyahahaha… Napili niya,

GIRL: Rianna Isabela
BOY: Rafael Angelo

Ok lang ba? Hihihi… Rianna yung napili niya kasi pinagsama yung name niya at nung boyfriend niya. Angelo naman kung guy kasi yan yung dapat na name ng brother niya na kinuha na ni God…

Tapos tapos, sabi niya ninang daw ako. Hahaha… Medyo ayaw ko pa noong umpisa kasi feel ko 'pag nagkaroon na ako ng inaanak, simula na yun ng pagtanda ko. Hahaha… Pero naaliw ako sa pagpili ng name para sa sa baby. Hahaha…XP Na-feel ko yung connection…XP Naisip ko na pagtanda nung baby, ako magiging 2nd mommy niya. :) Err… May matutunan naman kaya sa akin yung bata?! Hahaha…XP

Yung usapan namin ni Ann, ang funny… Ang saya pala balikan yung mga bata moments niyo… Yung mga oras na sobrang arte mo pa, sobrang baduy, laro ka lang nang laro, at ang dami niyong kalokohan…XP Haaay… Noong iniisip namin, parang kailan lang iyon... Ngayon, kailangan i-prioritize na niya yung mga bagay kasi siya mismo magiging parent na… Sabi niya pa sa akin, hindi na rin magtatagal at pati ako magkakaroon na rin ng family…

Nyay…

Hahaha… Joke lang… :) Hayness… Ang bilis lang talaga ng panahon. Mabilis lang pala talaga ang kabataan… Naalala ko lagi sabi ni Daddy sa amin na kahit kanino puwede mangyari yung nangyari kay Ann… Pero sana bago ibigay sa akin ni God iyon, stable na ang aking buhay… Lalo na ang aking pag-iisip. Hahaha…XP

Hayhay… Tumatanda na nga talaga sila…XP Hahaha… Sila lang daw eh noh?XP

Sige, Bloggy! Babush! :)

2 comments:

claude dietrich said...

Err… May matutunan naman kaya sa akin yung bata?!


- you have no idea how wise you are bunso, and your inaanak will surely learn so much from you...hey, i know you don't know that i learn a lot from you bunso..=)

Hannah said...

Kuya Tricco... :) Maraming salamaaat. :) Ooops... Been saying those words to you many times. Hahaha... Pasensya...XP I really pray that people would learn from a person like me, kahit na alam kong marami pa akong dapat ma-experience. :) Salamat sa pagbabasa ng blog ko. Ang tibay mo! Hahaha...XP