Bloggy! Wheee... Fast post. Fast post. Hahaha... Ikaw ata instant diary ko pag wala na akong oras magsulat kay Mimi (real, tangible diary. Btw, "Mimi" means secret in Mandarin). I just want to share you this before I go on working. :)
"Before this GA, I remember Ruth telling me (I think sa interview pa nga lang yata yon) na "Grabe kailangan natin manalo sa GA! Mananalo tayo this year!" And well -- nangyari nga talaga! What we should all learn from this is that if we really put our minds to something and we do everything in our capacity to attain it, mangyayari talaga. Because of our hard work and selflessness, and sa sobrang mahal natin sa department and sa AMA, nagawa natin.
And the best part is, I can really feel that we are ONE FAMILY -- the PR Family, full of love and excitement and passion for the department. Sobra akong natutuwa knowing that beyond the work, beyond the projects assigned to us, we're all FRIENDS. And that's something that I'm so proud of. Tingnan niyo, after the GA kanina, kahit tapos na ung pack-up, we stayed pa -- para mag kwentuhan, mag asaran, mag kulitan -- and I'm so happy knowing that that's the kind of relationship we have in the department. So there. You all are GREAT PEOPLE -- sobrang enthusiastic, sobrang friendly, sobrang likeable and sobrang daling makisama kahit kanino. I hope that this kind of enthusiasm will not go away. Pagpatuloy natin to -- so that our PR members would also feel that same sense of love and family when they're in the PR department!!
Nagmamahal,
Mian"
That was sent to us by our boss in AMA PR department, Ate Mian. :) Haaaay... Actually hindi boss because she never made us feel na mas mataas ang position niya kaysa sa amin. Bloggy, I am just so happy that people appreciate our hard work.
When I was in high school, I remember my adviser asking the whole class to bring a plant for our room. Since I was already assuming that no one would bring, I got one of lola's potted plants in the garden and donated it. When I arrived home, my aunt asked me about it. I just told her that I placed it on one of the corners of our room, but that our teacher seemed to have not noticed it. But... Ahmm... Do I care? Gagaga...XP It didn't matter to me before if people didn't see what I did for them. Why? Because I want to be sincere.
Err... Reflecting on that...
Being sincere = Not expecting anything in return?
Yun nga ba talaga ang ibig sabihin nun?
Well, well, well...?
Sorry... Ang babaw ng example... Pero sabi kasi ni Mama (auntie) noon, "Lahat ng tao kailangan ng appreciation. Ikaw, kailangan mo niyon. Hindi ibig sabihin na nag-eexpect ka ng ganun, hindi ka sincere sa ginawa mo." Martha would always remind me about it also whenever I tell her that I'm not expecting anything because I do not want to get hurt nor disappointed when I do not get the attention that I need/want. Sabi niya, "Mag-expect ka sa'kin. Gusto ko iyon. Ganun dapat."
Hmmm...
WAAAAH... I don't know how to write coherently anymore. Sorry. Hahaha...
Basta basta... Am really happy about AMA. This sem, I'm active in 3 orgs (thank God for allowing me to have those). :) Yung iba naman kasing org ko, hindi pa masyadong demanding. Wala pa sa peak season. Hahaha... But yeah. I would want to grow in those three orgs. Gusto ko kasi pag sinalihan ko, may mapupuntahan ako. May matututunan. May magagawang bagay na hindi ko nagawa noon. Ayoko nang marami kung hindi ko kayang i-maintain. Same with my perception about friends. I prefer to have few close friends than to have many many many friends. Mas gusto kong may epekto ako sa buhay ng kakaunting kaibigan ko kaysa magkaroon ako ng maraming kaibigan nang hindi ko nakikita at naipapakita ang tunay na kahulugan ng isang "kaibigan". Loner ba? Loser? Hahaha... Sensya. Of course, I'm always open to meet new people. Always. :) I love listening and talking. I love socializing and making people laugh. But I'd like to think that socializing has levels. Hahaha... LEVELS?!? Ok, I do not want to lecture on those kinds of things, so I won't explain what it means to me anymore. Hao ma?
Going back to my orgs...
I'm currently playing the violin with the CMO string ensemble. Super enjoy! Hahaha... Enjoy pala pag may kasama kang tumutugtog nun. Hindi noise ang naririnig ko, music. Hahaha...XD Uhm, I think may mga nagpeplay dun ng cello, viola, etc. Hindi ko pa lang sila namimeet. Basta parang magiging orchestra na ata kami. Hahaha... Pero masaya ako na malaki na yung org na iyon. :) Nung 1st year kasi ako, super lagas-lagas kami. Hahaha... Kung kailan lang gusto mag-play dun lang tutugtog. Oo nga pala, ang org na iyon ay, sabi ko sa sarili ko, magiging way ko para maging connected pa rin kay God kahit nasa campus. Minsan kasi patutugtugin kami tuwing may big events and mass. :) Parang sort of "panata" ko ito kay God. :) Masaya naman kasi alam ko may purpose ang pagtugtog ko ngayon. Tapos inspired pa ako matuto kasi binilhan ako nina Daddy at Mommy ng bagong violin. :)
Alam mo, pangarap kong tumugtog sa harap ng maraming tao. :) Medyo weird at ang manang ng konsepto pero isa sa pangarap ko makatugtog kasama ang isang orchestra. Yung magpeplay ako tapos makikita ko proud sa akin loved ones ko. Gusto ko ituloy ang pagtugtog ko kahit nagtatrabaho na ako. Kahit graduate na ako. Habang nag-aaral sa law school. Basta. I feel na kahit hindi na ako teenager in 2 years' time, marami pa rin akong magagawa sa buhay ko. :)Gusto ko ganun ang mangyari dahil... maganda ang buhay! :) Hahaha...
AMA and LEX. Hmmm... Those are my two other orgs. AMA, Public Relations Manager ako. LEX, Deputy ng Treasury. Hindi ko alam kung ba't ko napasukan yun. Hahaha... I realized kasi na minsan ayoko sa pera. At kahit madaldal akong tao, hindi ako super ma-PR tulad ng iba. But I'm glad that people trust me with those responsibilities. Mahirap nga lang kasi kumakain talaga ng oras at enerhiya. Minsan hindi ko alam kung saan pupunta at kung paano pagkakasiyahin ang oras, pero sa huli, ayokong isiping pagod ako. Gusto ko sa lahat ng ginagawa ko, masaya ako. :) Iba ang buhay 'pag ganun...
MAGAAN... :)
Isa pa, nararamdaman ko ngayon na kahit sobrang exhausted ang resources at energy ko sa academics at org work, gumagawa si God ng way para maging maganda ang resulta sa parehong aspeto ng aking school life. He really knows what's best for me. :)
Going back to my AMA Family (para naman mukhang may sense ang post ko). Masaya kasi nagiging close na kami. Parang brothers and sisters. Ako, honestly, medyo ilang pa. Ako lang kasi ata LM dun. Hahaha... But I'm happy that they're all kind to me. :) Happy also na nakakikilala ako ng bagong tao at nakaka-encounter ng iba't ibang ugali. Pero sa grupo walang namang bad blood. :) Now I'm excited for my projects kasi hindi na ako mahihiyang lumapit at humingi ng tulong sa kanila. :) Sana tuluy-tuloy na nga talaga ang "family-ness". :) Sana ganun din sa iba kong nasalihan. :D
Wheee... May sense ba? Hahaha... Hanggang dito na lamang! Paalam! :)
Hannah
Saturday, July 19, 2008
Chopsuey...XD
Posted by Hannah at 2:34 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment