Bloggy! Nakakatawa lang yung araw ngayon. Kagagaling ko lang sa simbahan at sa mall kasama ang pamilya ko, yung normal na ginagawa namin mula pa noon. Naghahanap kasi kami ng projector. Gusto raw kasi gumawa nina Mommy ng home theatre (pambahay na pinilakang-tabing --> ANO RAW?!? Hahaha...). O basta yun. Keri lang. Hahaha... Sa totoo lang, pabor ako, para naman mapilitan na akong manood ng mas maraming bagong pelikula. Naaalala ko kasi yung sinabi ng kaibigan ko sa gitna ng kanyang pagkakilig habang nagkekuwento sa akin eh: "Err… Hennuh (oo, ganyan. Conyo yun eh. Pati nga ako nahahawa at Enuh [Ana] ang natatawag ko sa kanya pag magkasama kami)… You should watch more [foreign] movies, ok [kailangan mong manood ng mas maraming pelikula, ha?]? Ginawan pa nga niya ako ng talaan ng mga pelikulang dapat kong panoorin. Hahaha…
Ok… So pagkatapos tumingin ng mga kailangang bilhin, kumain na naman kami. Oo. Pagkain. Lagi namang kumakain eh. Kapag kasama si Daddy, hindi ako nagugutom. Bago pa kasi ako makaramdam ng gutom, gutom na sila't naghahanap na ng pagkain. Kaya nga ako tumataba dahil sa kanila. Eh syempre kapag nandiyan na ang pagkain sa harap mo at nakikita mo na silang kumakain, sino ba naman ako para tumanggi diba? Naiisip ko kasi lagi na sayang naman yun. Parang may hindi ako "naranasan" kapag hindi ko kinain yun. Parang mas magiging "experienced" [sa pagkain] ang mga kapatid ko kaysa sa akin. Hahaha… Syempre di naman ako papayag nun. Hahaha… Talking about greed.XP Isa pa… Masarap talagang kumain eh… Anong gagawin ko?XD
Sa Chinese restaurant (paborito ko ang Chinese food at Japanese food… At Italian food… At… Uhh… O sige… Paborito ko na ata lahat), nagkekuwento ako tungkol sa ginagawa kong pag-eehersisyo araw-araw nitong nakaraan bakasyon. Sinasabi ko kina kuya na nalulungkot ako dahil pakiramdam ko hindi naman ako pumapayat (oo, tumaba ako nang bonggang bongga. Hahaha… Kaya pakiramdam ko kailangan kong bantayan nang mabuti ang aking timbang).
Sabi ni Daddy baka kailangan ko pa raw maghintay ng isang buwan bago ako makakakita ng malaking pagbabago sa aking timbang. Sumingit naman si kuya at ibinidang madali lang daw ang pagbabawas ng timbang. Sabi niya pa nga, "Ako nga isang linggo lang, 10 lbs na iginaang ko. Madali lang yan. Lunch [tanghalian] lang at dinner before six [hapunan bago mag-ikaanim nang gabi]."
Sabi ko, "Ano? Eh kapag hindi ka nag-breakfast [nag-almusal], diba mas magugutom ka nun? Nabasa ko yun sa… (tuluy-tuloy na pagsasalita at pagkain)"
Sagot niya, "Hindi. Basta kontrol lang yung kinakain mo. Konti lang yung sa lunch. Mga 2 cups."
Nagitla ako sa sinabi niya.
2 CUPS?!?
2 CUPS?!?
Pati sina Daddy, Gian, at Mommy, nagulat sa sinabi ni Kuya. Hahaha… Nabilaukan pa nga ata ako nun sa katatawa. Sobrang seryoso kasi nung pagkasabi eh at sobrang feel na feel pa niya yung pagka-diet expert tapos…
2 CUPS?!?
Eh kahit naman matakaw ako yung 2 cups ay… SOOO MUCH… na para sa akin. HAHAHA…
Wala lang… Sharing. :)
Habang kumakain kami naisip ko, masuwerte ako sa pamilya ko. Alam ko hindi kami perpekto pero wala lang… Ang saya. :)
Si Daddy… Naisip ko kanina habang kumakain at nakikipag-usap tungkol sa mga specs ng mga high-tech na kasangkapan… Paano kaya kung iba ang tatay ko? Kung hindi enhinyero (err… engineer na lang.XD Patawad) si Daddy, wala sigurong magaling na magsasabi ng mga depirensya sa kotse, sa kuryente, at sa kung anu-ano pang may kinalaman sa agham, lalo na sa pisika. Wala sigurong magaling na magsasabi kung ano ang mas maganda, praktikal, at magaling na features ng isang gadget kumpera sa iba pa. Yung mga ganun… :) Siguro rin… PAYATOT AKO. Kasi walang pagkain. T_T Walang tsokolate. Walang Lychee jellyace. Walang Cream-O. Walang jump foods/chuchirya [junk foods/chichirya]. Walang prutas. Walang pagkain… Wala… Wala... T_T O hindeeeeeh… Hindi ko kaya.
Walang nagpapakalma kapag natetensyon na lahat. Walang… Basta… Hindi masaya. :s
Si Mommy naman, pag hindi siya… Siguro mas matigas ang ulo ko. Hahaha… Kasi wala akong "katapat". Wala akong salamin. Magkapareho kasi kami halos ng ugali eh. Kaya pag nagtampo ang isa sa amin, mahirap. Gaya nga ng sabi nila, galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw… Hindi naman kami magnanakaw…XD Siguro mas magandang sabihin… Ano ba? Galit ang maganda sa kapwa maganda? Hahaha… WOOOSH. Yabang. Biro lang po. :) Yung seryoso na… Hmm… Basta pareho kami ng ugali kaya pag may problema mas nakikita ko ang pangangailangan sa aking magpakumbaba. :) Kung hindi rin siya… Wala akong mapagsasabihan ng mga "girl thing" na pangyayari. Hahaha… Kulang ang puwersang magtutulak sa akin upang maniwala sa aking sarili at gawin ang mga bagay na kinatatakutan kong gawin.
Si Kuya… Hmmm… Pag hindi siya ang kuya ko, wala akong kaaway! Hahaha… Walang magtatiyagang maghatid at magsundo sa akin sa paaralan. Walang magluluto ng masarap na pagkain kapag hindi ko gusto ang ulam. Walang mangungulit kapag ayaw ko ng may nangungulit.XP Wala akong kuya… :s
Si Gian, kapag wala… AKO ANG BUNSO. Nyahaha… Wala akong kapatid na magkekuwento ng mga nangyayari sa buhay niya. Mas nakakapagsabi kasi siya sa akin kaysa kay Kuya. Alaskador kasi si kuya eh. Ako… Minor alaskador lang. Hahaha… Hmm… Wala akong kausap tungkol sa pagtugtog ng mga instrumento. Wala akong katabi sa pagtulog (matatakot na naman ako dahil malaki masyado ang kama. :s). Hindi ako magiging ate. Noong bata kasi ako, pakiramdam ko ako ang laging pinakabata sa mga grupong sinasalihan ko kaya ginusto kong magkaroon ng kapatid para may tatawag sa akin ng "ate".
Si Lola!!! :D Lola's girl ako, lalo na noong bata ako. Hindi ako sasama kina Mommy kapag hindi kasama sina lolo at lola. Kapag hindi ko siya lola, wala akong makikiliti at makukulit kapag wala akong magawa. Hahaha… Wala akong maiiyakan kapag nalulungkot na ako at wala pa sina mommy. Walang masarap na ulam araw-araw [lalo na yung NILAGA at TINOLA! :9]! Walang iiyak sa tuwa kapag awa ng Diyos ay may mga tagumpay akong nakakamit. Hahaha… Minsan kasi binibiro ko yung mga tao sa bahay kapag hindi ko masyadong nakita na masaya sila sa mga nangyayari. Tinatanong ko kung bakit ganun lang reaksyon nila at kung bakit "wala man lang bang tears of joy or something diyan???". Tapos bigla na lang luluha yung lola ko sa tuwa (o tawa?XP) at sasabihing masaya siya para sa akin. :')
Mga larawan... Hihihi... Si Lola hindi nakasama sa Disneyland. :( Ito lang yung larawan naming 2 na madali kong nahanap dito sa PC kaya... Ito na lang ilalagay ko!XD
Marami pang "kung wala… hindi..." eh. Medyo mabababaw na mga dahilan lang din ata ang mga nailagay ko rito.XD Marami pa rin akong mga kamag-anak na sobrang malapit talaga ako. Siyempre kulang ang tibay ng keyboard ko para maisulat ko iyon. Kulang din ang oras. Hahaha… Basta… Kung wala ang pamilya ko o kung hindi sila ang kapamilya ko, pihado, hindi ako si Hannah.
Sunday, November 9, 2008
Pameelee... :)
Posted by Hannah at 12:55 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment